Kailangan nating bantayan ang ating salita at ang ating puso. Kung naniniwala tayo na natanggap na natin ang sagot sa ating dasal, hindi na natin kailangang huminging muli o magdasal muli.
Kung nag-alala tayo at huminging muli, nagpapakita ito na tumigil na tayo sa paniniwala na matatanggap natin anuman ang hingin natin. Kung naniniwala tayo na natanggap na natin iyon, dapat huminto na tayo sa paghingi bagkus sasabihin natin natanggap na natin iyon. At matatanggap nga natin iyon.
Kailangan nating siguraduhin na ang iniisip natin at ang sinasabi natin ay naaayon sa ating paniniwala na natanggap na natin kung anuman yung hiningi natin sa panalangin at matatanggap nga natin ang mga iyon.
Ang ating parte ay iyong maniwala na tayo'y nakatanggap. Ang parte naman ng Diyos ay ibigay kung anuman ang ating hiningi. Ang ating pananampalataya ay nakikita kung paano tayo manalig sa ating mga sinasabi.
- Translation by D.David
No comments:
Post a Comment