Saturday 19 March 2011

Soul-Winning Script (Tagalog)

May nakapagsabi na ba sa iyong minamahal ka ng Diyos at mayroon syang napakabuting plano sa buhay mo?

Mayroon akong kapiraso ngunit mahalagang tanong sa iyo. Kung sa mga sandaling ito ay bawian ka ng buhay, masasabi mo bang sa langit ang iyong tungo ng may kasiguraduhan?

Kung maaari, nais kong ibahagi sa iyo ang sinasabi ng banal na bibliya. Ayon rito:

"...ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos"; at

"...ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, subalit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon".

Ayon pa sa Bibliya:

"...sinuman ang tumawag sa pangalan ng Panginoon ang siyang maliligtas."

At ikaw ay bahagi ng "sinuman" hindi ba? Lahat naman tayo ay "sinuman"!

Kung nais mong tanggapin ang kaloob na binibigay sa iyo ng Diyos ngayon, banggitin mo ng malakas ang panalanging ito ng iyong buong puso:

Panginoong Hesus, pumasok ka sa aking puso. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan. Hugasan mo po ako at linisin. Bigyan nyo po ako ng kalayaan. Hesus, salamat po dahil kayo ay namatay para sa akin. Naniniwala po ako na kayo'y nabuhay muli at muling magbabalik para sa akin. Puspusin mo po ako ng Banal na Espiritu. Bigyan nyo po ako ng pagkalinga sa mga nawawala, sa mga taong nauuhaw sa Diyos, at bigyan nyo po ako ng katapangan na maipamahagi ang mabuting balita ni Hesu-Kristo. Ako ngayon ay ligtas; ako'y pinanganak nang muli, ako'y pinatawad na at ang aking landas ay patungong langit sapagkat si Hesus ay nasa akin ng puso.

Bilang lingkod ng mabuting balita ni Hesu-Kristo, malugod kong sinasabi sa iyo ngayon na ikaw ay pinatawad na. Nawa'y palagi mong tatandaan na lumapit sa Panginoon sa lahat ng oras sapagkat minamahal ka Nya at mayroon syang napakagandang plano sa buhay mo.

(Translation: Diana David)

No comments:

Post a Comment